Sunday, January 15, 2017

Sa Malayo Ako Sayo'y Nakatingin


~KJD~


 Lamig ng boses sayong mga himig;
Di mawari sayo ako'y umiibig;
 Iniiwasan may gusto paring marinig,
Sapagkat ako'y hawak na ng yung mga tinig.

Pilit mang tinatago mga luha sa aking mata;
Nagbabakasakaling di tayo para sa isa't isa;
Sa Panginoon malalaman kung saan tayo nakatadhana,
Pero salamat dahil minsan ako sayo'y naging masaya.

Paninibugho, di mo man lang napansin;
Kapag kaharap mo ang iba sa iyong mga mata minsa'y di mapatingin;
Mga pag-iwas ko sayo ay wag mong dibdibin;
Sa tamang panahon ika'y aking mamahalin.

Tadhanang pilit tayong inilalayo,
Pero sa isip ko hawak hawak ang iyong pangako;
Wag mabahala tibok ng aking puso ikaw ay nag-iisa,
Dahil kung tayo man ay tayo talaga.





~RMY~ 

Pasensya kasi minsan sa likod ng mga ngiti ko may mga problemang di ko na nais ipakita, sa likod ng mga pagtawa may mga luhang pilit kung tinatago.
Di man ako tunay na masaya sana suportahan mo na lang ako kapag di ko na kaya. :))
Magiging kampanti lang ako kapag nakikita ko yang mga ngiti mo, sana di ka magbabago.   
Pinaliit ko ito para di mo mapansin hehehXD Love you!!! :* (N I V E K) ingat ka palagi ha?? 

 Stay safe.
GOD BLESS! :)
  

No comments:

Post a Comment